SEKOY

Lunes, Hunyo 23, 2014

REVIEW: Human Heart Nature LipBalm / Tinted Lipbalm / Cool Peppermint Shampoo&Conditioner :)

Lahat ng sasabihin ko po, puro tagalog :) dahil baka abutin pa ko ng syam-syam kapag nag English pa ko. HAHAHAHAHAHAHAHA.






Ayan nga pala yung binili ko sa Human Nature, PaperBag pa lang nakaka-inlove na, pano pa kaya yung mga Produkto nyan :) Tignan natin......................








Syempre bago ko gawin yung Blog na to trinay ko muna sila lahat ,lalo na yung Human Nature Shampoo/Conditioner (Cool Peppermint) . Grabe lang, sa 2 Buwan kong gamit yan di ako nagsisi na bumili ako nyan, kase sobraaaang bango na, epektib pa! Kaya lang sa 2 o 3 araw maglalagas yung buhok mo ng 5 hibla siguro ,pero sa una lang yun, siguro nag sasanay pa lang buhok mo, pero pag nag tagal na sya sayo, as in wala ng nalalagas na buhok, yung nga lang mga dalawang shampoohan ang kelangan para bumula sa una, at dapat yung shampoo bago gamitin shake muna ng maige, Dun naman sa Conditioner, ang lamig nya sa anit, nakaka relax talaga,lalo na yung amoy nya ambango bango :)))))




Mapunta naman tayo sa Lipbalm at Tinted Lipbalm nila, Yung Peppermint Lipbalm nila naka dalawang bili na ko, kasi ang sarap nya sa lips, anlamig pag inapply mo, atsaka ginagamit ko din yan lalo na pag gabi ,pag gising ko naman ang lambot lambot ng lips ko :) yung Wild Berry ganun din.
Sa Tinted Lipbalm naman, mahilig talaga ako sa Pink lalo na pag lipstick, pero dito sa tinted ng Human Nature, mas gusto ko yung Flame Tree nila kaysa sa Pink Orchid, kasi mas Pigmented yung Flame Tree kumpara mo sa isa, ang kaso lang Drying sila parehas :( Yun lang ang problema ko sa tinted lipbalm nila, pero yung color nila maganda pang Everyday use, lalo na kung Student ka pa lang :)


Isa pa palang problema ko dito, Amblis nilang ma Expired, halos 10 Months lang ang tinatagal nila, at ambilis matanggal ng Expiration Date nila :(


Eto hitsura ng Lips ko pag walang naka apply ni isa sa Lips ko...........


          
BARE LIPS


Crack Lips ko , at Tuyot sya, Madalas nag babalat din.....



Eto nga pala hitsura nila kapag nilagay sa Lips ko.........

 Tinted Lipbalm / FLAME TREE


Gusto ko yung kulay na Flame Tree kasi para lang syang Natural sa lips ko, ayun nga lang drying sya....

                         

Human Nature Lipbalm/ WILD BERRY


Eto yung Wild Berry , Lipbalm lang sya, para lang hindi Dry Lips ko, inaaply ko sya everytime na hindi ko feel mag Tinted Lipbalm :) ........




Tinted Lipbalm/ PINK ORCHID



Para lang syang Natural Lips din, hindi nga lang sya sobrang makulay :/ Yun lang.... Magara lang sakanya yung namumuo sa guhit ng Lips ko .........



Yun lang ang na try ko sa Human Nature :)

Thnks po ;)